Home » Post Item » team ewan! ftw.

team ewan! ftw.

January 27, 2010

all of a sudden biglang naging household word ang word na “TEAM”. well common word naman talga siya.. pero lately masyado ng ine-exaggerate yung talagang use niya. Bago ko sabihin yung huling tanong sa’ken about sa mga team-team na yan.. flashback muna. first time kung napansin na ginamit massively ang word na “team” ay sa twilight. team edward vs team jacob.. tapos sumunod ang team katrina vs team hayden tapos lately lang team jinky vs team krista. hay naku lahat nalang noh? kanina tinanong ako ng classmate ko kung “TEAM OO” ba daw ako or “TEAM HINDI” at isa lang ang naisagot ko sakanya..isang pasigaw na “Annoooo?!” bukod sa hindi ko alam kung ano ba yung tanong or issue na sinasabe niya ayaw ko din sumagot na hindi ko jinajustify yung sagot ko.

Question, bakit pag team ang pinag-uusapan laging tigda-dalawa lang? and kailangan ba talaga na dapat may stand ka sa mga tanong na ganoon?

hmm.. sabi nila dapat lagi kang meron piliin.. kasi kung wala kang stand sa mga bagay-bagay duwag ka, play-safe, etc.

yung saken naman(opinion ko lang po ito ha).. hindi kailangan all the time lagi kang may stand or may mas pinapanigan ka sa mga ganyan. what if yung choice mo wala naman doon sa mga yon or paano kung pareho kang may say sa dalawa. to sum up ang mga sinabe ko.. ito yung analogy na lagi kong ginagamit.. sa board exam nga kahit true or false lang ang kailangang sagot hindi lang naman a or b ang nasa choices.. laging may c(either) and d(neither). 

Posted by ridgezpop143 at 9:00 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.